United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tungkol sa pagkaparito n~g m~ga ito kung paano at saan nan~gangaling ay di masabi at hangan n~gayon ay di pinagkakaisahan n~g m~ga mananalaysay ang bagay na ito; sapagka't anáng iba ay galing sa Aprika na nakapagpalipat-lipat sa pulo't pulo hangang Nueva Ginea at mula sa Nueva Ginea hangang dito, at anáng m~ga bagong mananalaysay ay hindi, kun di ang m~ga ito'y kaibang lahi n~g m~ga itim sa Aprika at talagang tagarito sa Kasilan~ganan.

Kung paano ang pagkapasimula n~g pagkakaparito n~g m~ga ito ay di natin masabi at walang aklat na makapagpatotoo, datapua't ang m~ga pagkakaganiganito n~g m~ga tao noong unang dako, na nan~gapapalipat sa ibang m~ga pulo't lupain ay di kaila sa m~ga kasaysayan, at nariyan ang m~ga aklat nina Ratztel, Ellis, John Dunmore at ibp.

N~guni't mula pa sa kaunaunahang dako hangang sa panahong ito ay hindi kaila na ang tao ay laging nagsikap n~g ikabubuti't ikagiginhawa n~g sarili na kung di n~ga masiyahan sa kanyang bayan ay dumadayo sa iba; kaya't hangang n~gayon ay may m~ga taong gubat na nagpapabuhatbuhat n~g tahanan dahil sa paghanap n~g lalo't lalong mabuting lupa ó n~g dakong lalong maginhawa sa kanyang pamumuhay, at maging sa m~ga matalinong bayan man ay gayon din, at nariyan ang Australia na pinamamayanan n~g m~ga Ingles: at ang m~ga lupang Pilipinas, na halos lahat n~g pulo't lalawigan ay sagana sa m~ga halama't pananim, sa m~ga kayamanan at sa balang ikabubuhay, ay di mapagtatakhang pamayanan n~g lahing ito.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap