United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !


Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.

¡Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, ¡baliu ca!, nang siya,i, mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa atin na para-para tayo,i, manga hañgal, na ualang naalamang iba cundi cumain at mag-araro. Maano , tatay, ay houag, , ninyong paluasin si Próspero. ¿At baquit?

Datapoua,t, nang mariñgig niya sa caniyang ina, ang quinasapitan ni Próspero, ay naualan siya nang dating catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya nacapagbañgon.

¡Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na paluasin ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral doon, anila, nang caunti! ¡Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i, naguudioc sa canila sa gayong bagay!

Ang ibig co, lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, ninyo, na dito sa ating bayan, ay hañgal na hañgal ang tauo, na halos hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanuñgin po, ninyo silang tungcol sa mañga calabao, mañga palayan, mañga caiñgin ó ibang ganito.

¿Comusta si Proper?, ang tanong ni cabezang Angi. ¿Ano, po, ang lagay ni Próspero?, ang tanong ni Pili. ¿Mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang Maria. ¿Hindi, , caya natatacot siya sa Maynila?, ang bagong tanong ni Felicitas. ¡Maca, , siya,i, magcasaquit doon sa quinatitirahan! ¿Nacausap mo, baga, ang caniyang Catedrático ?

Sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang pagcamatay ni cabezang Andrés, ay dinaquip si Próspero nang justicia at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming tauo.

Inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat; subali,t, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pañgalan ni Pili, cundi ang pañgalan co, ó ang pañgalan nang tatay mo. Y no mas . Ang ating Pañginoon Dios,ang mag-iñgat sa iyo. Sumagot ca nang madali sa masintahin mong ina, na si Maria Dimaniuala. At ito ñga ang nangyari cay Próspero.

Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi ang malaqui at locong pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang canilang anac na si Próspero,i, mag-aral sa Maynila.

At sa di dumarating-dating nang macaanimas na, ay namamalisa silang lahat, at pinag-uusap-usapan nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa. ¡Baca, nahulog si Próspero sa cabayo! ¡Baca, hindi nacaquita siya nang bangca! ang sagot nang isa.