United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Houag cang magalit sa aquin, Proper, dahilan dito sa mañga sinasalita co, at uala acong ibang hinahañgad dito sa mañga sabi cong ito, cundi ang cagaliñgan nang caloloua mo. Caya mayroon pa acong itatanong sa iyo. Baquit icao,i, mauiuili ñgayon sa mañga sayauan, at naalaman mong dati na ito,i, baual na baual sa atin nang ating cagalang-galang na Padre Cura?

Datapoua,t, sa di siya,i, paquingan ni Proper, cundi siya pa ang quinagagalitan at pinag-uiuicaan nang masama, ay itinicom niya ang bibig, at hindi na siya umimic nang munti man.

Nagmamacaauang totoo ang mag-ina ni Pili cay cabezang Andrés, at si Próspero nama,i, ualang calagot-lagot nang paghingi nang tauad, caya quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang mañga tali, at tuloy pinañgusapan siya nitong maicsi, ñguni,t, malamán na salita: Proper, ani cabezang Andrés, Proper, cung sana sa bangca, aco,i, tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay co, ay magpacaiñgat ca na.

¿Comusta si Proper?, ang tanong ni cabezang Angi. ¿Ano, po, ang lagay ni Próspero?, ang tanong ni Pili. ¿Mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang Maria. ¿Hindi, , caya natatacot siya sa Maynila?, ang bagong tanong ni Felicitas. ¡Maca, , siya,i, magcasaquit doon sa quinatitirahan! ¿Nacausap mo, baga, ang caniyang Catedrático ?

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i, sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, ó hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang sagot, ay mahahañgo na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin. Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili, nang matanto nating madali itong mañga bagay na ito.

Tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo Andrés, itong sulat ni Proper, at diyan maalaman mo ang totoong calagayan nang anac ta. Diyan lamang aco,i, naniniuala, sapagca,t, ang ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin.

¡ Tusong-tuso , ang uica nang estudianteng taga-Bulacan, tusong-tuso itong si Julio! Sundin mo ñga, Proper, ang caniyang hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang mañga nanay mo. Umayon mandin si Prósper sa hatol nang mañga casama niya; at sumulat cay cabezang Angi nang ganito:

Tila, ,i, aco,i, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,i, hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa mañga guinaua ni Proper magmula niyong siya,i, nag-aaral sa Maynila, na hangan ñgayong panahong ito.

Binasa ni estudianteng Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Próspero. ¡Mahirap ang tayo mo Proper! ¿At ano? ang tanong ni Próspero. Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap