United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagtangap ninyo nitong órden ó cautusan, ay papaharapin ninyo dito sa Alcaldia mayor ang dalauang catauo, na si D. Andrés Baticot at si doña Maria Dimaniuala ang mañga ñgalan, nang sila,i, macasagot sa sumariang guinagaua dito sa Juzgado , contra sa canilang anac na si Próspero Baticot dahilan sa mañga utang at ibang mañga capañgahasan.

Talastas co ñga, na ang lagay nang capatid mo,i, sucat icasindac at icaiyac mo, sapagca,t, masamang totoo ang caniyang tayo. Subali,t, pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacailañgan ni Próspero, ay hindi mo macucuha sa pag-iiyac.

Dalauang arao lamang nacahiga si Felicitas sa banig; at nang siya,i, malacas-malacas na, at nacapagbañgon, ay isinanguni sa caniya ni cabezang Angi, cung ano-ano caya ang mabuting gauin sa pagbabayad nang mañga utang ni Próspero; at ang sagot ni Felicitas ay ganito: Cayo póng bahala, nanay.

Caya gayon ang aquing salita, sapagca,t, ang lagay ni Próspero sa Maynila, ay siyang-siya nang lagay nang isang olila sa ama,t, ina, at capatid at camag anac pa, na ualang macapipiguil sa caniya, at uala naman siyang quinaaalang-alañganan.

Pagcariñgig ni cabezang Angi nitong mainit na salita nang caniyang asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag-usapan nila si Próspero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pañgalan.

Ñguni,t, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang pagvavacacion ; at ito na si Próspero, na dumating dito sa bayang sacay sa isang maganda at mariquit na cabayong may paso , na ipinasalubong sa caniya ni cabezang Angi doon sa Cainta.

Iba,t, iba, ; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,i, nang maalaman co sa inyo póng mahal na labi ang totoong cahulugan nang mañga sinasalita ni Próspero. Ito, , ang sulat; inyo, pong básahin.

Ñgayo,i, umoui ca na, at houag cang umiyac, at houag mo namang alalahanin itong mañga bagay na ito. Sundin mo lamang ang una cong hatol sa iyo, na sa macatouid: ipanalañgin mo sa ating Pañginoon Dios ang capatid mong si Próspero nang siya,i, iadiya,t, iligtas sa dilang masasama, at ang Panginoon Dios na ang bahala.

Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa Pañginoon Dios inihahain. Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang macetas , na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t, natutuyo at sa calauna,i, namamatay.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap