United States or Albania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung dito sa anac mong si Próspero ay masasabi co sa iyo, na minamabait co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano at masunuring anac.

Caya, , ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,i, mangyayari sa inyo póng loob, ay pañgaralan, ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin, , ninyo sa canila, paouiin na nila dito si Próspero.

Baquit caya ang iquinatotoua nang magulang ni Próspero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid? Sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong mañga bagay na ito.

Napaiyac nang panibago si Felicitas nang mariñgig itong sagot at hatol nang aming Cura, at pagcamaya-maya,i, nagpasalamat siya sa Cura, humalic-nang camay at nagpaalam na. Nang dumating siya sa caniyang bahay, ay sumulat cay Próspero nang ganito: Caguilio-guilio cong capatid: tinanggap co ang minamahal cong sulat mo, ay cung baquit, pagcabasa co,i, napaiyac acong totoo.

Caya, nang mariñgig nila ang laman nang sulat ni Próspero, ay lubos na lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag-aral na nang marami sa Maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag-iisip ang paghihinala ó ang pagdidili-dili man lamang, na maca sacali,t, sumama ang asal ni Próspero doon sa Maynila.

Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang mabalitaan niya, ang mañga cabaliuang guinagaua ni Próspero sa mañga babayi, at ang mañga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.

Caya pagpanaog ni Próspero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na hangan sa inaabot nang caniyang mata. Subali,t, iba,t, iba ang lagay nang calooban nang isa,t, isa sa bahay ni Dales, at siya cong sasalitain ñgayon.

Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t, paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa oras na yaon, nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre Cura, at doon cumuha nang sanguni.

Caya, naguing cauicaan nang mañga pantas na marurunong, na ang carunuñgan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan nang mañga pasan natin dito sa mundo . Nguni,t, mayroon acong itatanong sa iyo. Cayo póng bahala, ang uica ni cabezang Dales. Ano caya ang hinahañgad mo, ó hinahabol mo baga sa anac mong si Próspero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?

Sinagutan ni don Andrés ang lahat na mañga tinuran cong tanong nang mag-ina ni Pili; at polus na maigui, at polus na caaliu-aliu ang isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay Próspero, at ang uica pa ni Dales sa canila: Houag ninyong alalahanin si Proper, at mabuting-mabuti ang caniyang lagay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap