United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang man~ga daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, ó duhat ó camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo.
Cun namamaga lamang ang pouit, at ualang dugong lungmabas at ang may cataua,i, madilao dilao at caniyang muc-ha, at sala ang pananabi niya, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 437.
Itong lahat ay pauang aral ni D. Martín Martinez. Ang gagauin sa quiniquilmos na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay almorranas; na yao,i, pamamaga nang puit nang tauo. Doon sa pouit nang tauo, mayroong anaqui bucolbucol namumunti, na cun minsan ay namamaga doon sa loob, na hindi naquiquita cundi sa oras nang pananabi.