United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na si Potamiana ay huag aanhin cun hindi madali lamang paouiin, sa caniyang bahay at papan~gacuin na ang calooban niya,i, siyang sundin. Sa Gobernador n~gang pinan~gatauanan ang pagsunod sa caniyang caibigan, at si Potamiana ay pinagbaualan na tunay na siya ay pasusungaban.
Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tan~gi na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig n~g matá. Na di nahicayat camunti man lamang niyong pan~ginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.
Yaong Gobernador at ang cahilin~gan si Potamiana,i, dapat pahirapan, na patayi,t, siya,i, sumunod sa aral ni Jesucristo,t, tunay na biniyagan. At ayaw sumamba sa man~ga Idolos na siyang dito,i, ating dinidios, n~guni,t, ibinulong n~g may asal hayop sa Gobernador na tampalasang loob.
Hindi man nasindac sa parusang yaon si Potamiana,t, pagdaca,i, lumusong, doon sa lan~gis na cumuculong hatol na itinatadhana niyong Gobernador. Ang cahalimbaua ay lumusong lamang sa isang masarap niyang paliguan, dinálitang lubos yaong camatayan tikis na sumugbang di kinilabutan.
Salita Ng Araw