United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya mahal na princesa damit mo po'i, abot cuha, at baca pa ipagdusa nang búhay co't, caloloua. Caya cun uala ring daan ang sinta cong pinag-lacbáy, ibig co pa aquing mamatáy dini po sa aquing lagay. Isinagót nang princesa ó don Juan de Berbania, ngayon mo nga maquiquita tunay na aquing pagsintá.

Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong maguing sandata. Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód capagcuan. Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong príncipeng masiglá. Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.

Siya nanga'i, nagcusa na dumulog sa haring amá, nag-uica capagcaraca nang ganitong parirala, Aco po'i, pahintulutan nang haring aquing magulang, aco ang quiquita naman nang iyo pong cagamutan. Ngayon ay tatlóng taón na hindi dumarating bagá, ang capatid cong dalaua saquít mo po'i, malubha na. Ang sagót nang haring mahal bunsóng anác co don Juan cun icao ay mahiualay lalo co pang camatayan.

Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na naglalacád. Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa haring amá. Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan. Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya naming nacuha.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap