United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Halos wala nang tao sa pook na pinagdausan n~g m~ga pagdiriwang nang magdaan ang trambiang kinalululanan ni Elsang galing sa pagamutang pangkalahatan. Sa liwasang Goiti ay madalang na rin ang nagsisipaghintay n~g trambia, palibhasa'y may kalaliman na ang gabi.

May puso n~ga siyang nasasabi'y di niya maalaman kung tumitibok pa nang sandaling iyon ... Ang m~ga mata niya'y naroroo't nakadilat n~ga, subali't hindi niya maturol kung may nakikita pa ... Nakikinig siya sa pook na yaon, n~guni't sa kanyang m~ga tayn~ga'y isang kawang kuliglig mandin ang nagpapanabay na tumutulig at nagpapalito sa kanyang isipan....

Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga salagimsim. Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka.

Kaya minsan ay sinabi na tuloy sa kanya ng manggagamot na si Dr. Velasquez, na, siya ay magbakasion sa malalamig na pook, sa mga pook na hindi mainit. Magpunta siya sa mga malalamig na pook upang makasagap ng mabuting simoy ng hangin. Kailangan ang ikaw ay magbakasion sa malamig na pook, tulad sa Los Banos, sa Bagyo, sa Lukban, sa Sibul, o dili kaya ay sa may ibang bahaging malayolayo sa siudad.

N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong Sistidor. Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang nag hahanap n~g galing ó anting-anting. Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting kasangkapang mabuti sa katawan. Anong ibig mong kasangkapan?

Naroong sila'y dumako sa may dinudunghal n~g "Manila Hotel", at mula sa ibabaw n~g m~ga naglalakihang bato't talampas na saganangsagana sa pook na yao'y boong lugod na pinanonood ang tila naguunahang salpok n~g alon sa lahat n~g pagilid, saka ang kaakitakit na kulay n~g langit sa dakong Kanluran sa m~ga sandali n~g pagsibsib n~g araw sa likod n~g m~ga bundok na natatanaw sa kabila n~g dagat.

Paano'y sa siyang pinaiiyahan n~g lalaki, ay parating nagkakaroon n~g salabid tuwing ipagbabalak n~g araw at pook ang ikabubunsod n~g gayong salitaan. Sa loob n~g panahong iyan na hindi rin idinarating n~g sulat ni Teang, kay Tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalun~gi n~ga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba't napaghabilinan niya n~g kanyang boong pagtitiwala.

Oh Maynila! Gayon na lamang ang pagkatuwa niya dahilan sa sasapiting walang pagsala ang pook ng aliw ... ang Maynila! Sasapiting walang pagsala ang laging napapangarap ang kinalalagyan ng kanyang irog: ni Eduardo. Anong ligaya nga naman ng gayon sa puso ni Leoning!

Humanap siya ng pook na tago sa mga mapagkunwaring babae na mapagsukab. Doon sa walang maririnig na bulungbulungan ang kanyang sarili. Inilagan niya ang masasamang kinakakakitaan ng paris noong nangyari sa kanya. At, kanya na lamang na isadilidiling: Ilan pa kaya ang mga babaing nagsisipagugali ng gayong hindi namamalayan ng kanilang mga kabiyak ng puso?

Kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang pinagkakaguluhan n~g tao, ang wika ni Tirso. ¿Hindi kaya tayo hanapin ni Dioni? ang tanong ni Elsa. Hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo pang madali tayong magkikitakita....