United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang manzanilla; datapoua cun baga siya,i, lungmura nang dugo ay houag painumin noon. Cun baga ang maysaquit mayroong sibol doon sa caniyang baga, ay basahin mo ang párrafo 42, at ang man~ga magcasumonod doon. Ang sintac sa dibdib, na pinan~gan~galan nang man~ga médicong pleuresia, ó dolor de costado.

Ang pleuresía ó ang sintac sa dibdib ay catulad nang saquit na pulmonía na sinasaysay sa itaas sa capítulong nacalalo. Dito sa pleuresía, ang baga nang maysaquit ay namamaga rin para doon sa nagcacasaquit nang pulmonía; datapoua,t, itong pamamaga nang baga nang sinisintacan ay sa dacong ibabao, at ang nararamdaman niya ay gayón.

Ang gamot sa sipón ay para nang sa pulmonía, pleuresía ó garrotillo . Caya cun ang sipón ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay cailan~gang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. Saca painumin nang bilin sa número 1, 2, ó 4.

Ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big-yan nang triaca, cordial, castol, ruda , at nang man~ga bagay na nacacapagpapauis. Ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,i, totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresía ó sintac; at mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.

Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang baga sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.