United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Lamang, ay isang sagabal ang nararamdaman niya waring pumipigil sa kanyang m~ga bagwis, parang lubid na bumabaliti sa m~ga pakpak niya at siyang hindi ika-panibulos n~g kanyang m~ga lakad. Si Elsa ay malayang singlaya n~g hangin na maaari n~gang makasunod sa bawa't pithaya n~g pusong sumisintang wagas.

Gayon man, gayon ma'y hindi masisira sa akin ang iyong hiling at pithaya, gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang maghandog n~g iyong ikapapayapa. N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap sa aking namali't nagsising pan~garap? ¿manumbalik kaya at hindi kumupas ang iyong pagtin~gin sa imbi kong palad?

Sa m~ga sandaling yao'y hindi niya maturol kung sa kaninong anak n~g Dios nahahabilin ang palad ni Teang, at sa m~ga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni Elsang naglalahad n~g walang pagtutumpik sa tanang pithaya n~g pusong nauuhaw sa pagirog ... At ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag n~g mataas na pagtin~gin, ay isang tunay na paghin~gi't paghihintay n~g kanyang magagawa, n~g sukat niyang ilin~gap sa isang minamahal at itinatan~gi sa buhay ... ¿Paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni Teang? ¿At paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas n~g dibdib n~g mestisang nabihag n~g kanyang pagkamakata? ¿Saang panig siya dadako? ¿Doon? ¿Dito?...

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap