United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinutugtóg ang ikasampung oras nang si Kápitang Memò ay magbángon noong umagang iyón. Ang mga hikáb niyang sunodsunod at mga matáng pipikitpikit ay nagpapakilálang di pa nasisiyahán sa túlog. At mulî sanang mahahandusáy ang mahal nating ginoo, dangan at nagitlá sa íngay ng maraming táo na noó'y naghuhugusan sa tapát ng kanyang báhay.