United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dáhandáhang lumápit ang nagngingitngít, sinunggabán sa bátok ang tuksó at walang sábi-sábi'y niluglóg ito ng walang kapatúpatumanggâ. Kung kayâ ka bá binabayáran ng sampúng piso buwán-buwán ay para magtulóg ka rito? Waláng hiyâ!" Gitláng gitlá ang pinupog ni Kápitang Memò. Sa kagulatan ay nakálundag tuloy sa di oras ng limáng dipá.