United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at bubulyawán kong: ¡Maaliwalas ang daan ko! ¡Nakikita ko ang aking nilálakaran! ¡Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan ang inyóng ilaw! ¡Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá pá! ¡Mura mán ang aming m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan!
Sa dawag n~g pait, noong kadiliman pinilit pinigâ sa papel makintal tanáng pag-ibig kong, di bun~gán~gâ lamang pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal. Bagá man at kapós sa dunong ay sahól kapahatáng ito'y hindi iu-urong kahi ma't sa dugo'y piliting luman~goy pagsisikapan ding ipatanto n~gayon.