United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Dáhíl diyá'y walâ sino man sumisinta sa catotohanang hubád! Magalíng ang bágay na iyán sa salitâ, mangyayari lamang sa daigdîg na pinápanaguimpan n~g cabatâan. Náriyan ang maestro sa escuela, na walang tumútulong síno man, sangól na púsong nagmithî n~g cagalin~gan ay walang ináni cung di libác at m~ga halakhác; sinábi ninyó sa áking cayó'y taga ibang báyan sa inyóng sariling lupaín, at naniniwalâ acó. Mulâ sa únang áraw n~g inyóng pagdatíng díto'y inyóng sinactán ang calooban n~g isáng fraileng cabalitaan sa m~ga táong siya'y isáng banál, at ipinalalagay n~g canyáng m~ga cápuwâ fraileng siyá'y isáng pantás. Loobin nawâ n~g Dios na ang guinawâ ninyóng itó'y huwág siyáng maguing cadahilanan n~g m~ga mangyayari sa inyó sa hináharap na panahón. Huwág po ninyóng acalâing dáhil sa pinawawal-áng halagá n~g m~ga dominico at agustino ang guinggóng hábito, ang cordón at ang salaulang pangyapác, na dahil sa minsang ipinaalaala n~g isáng dakílang doctor sa Santo Tomás, na ipinasiyá n~g papa Inocencio III,