United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Darating ang panahón na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; págka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating Mánanakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo ko ay sisibulan n~g ganyan ding halamán; subali't ang bawa't dito'y tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g katauhan, Pinaslang ninyo ang isáng nahilig sa pagninilay n~g mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawá'y siya ninyong laguing pakinaban~gan.