United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mariñgig ni cabezang Angi ang mañga sinasalita sa caniya nang aming Capitan, ay namutla siya,t, nasindac na totoo, na hindi macaquibo, at hindi macapag-uica, at hindi man macaiyac; tila mandin nahahalañgan ang caniyang lalamunan, at natutuyo ang luha nang caniyang mata caya nang pagmasdan nang Maguinoong Capitan ang masamang tayo ni cabezang Angi, ay pinaoui siya, at ang uica sa caniya: Cayo, pó,i, umoui muna, cabezang Angi, at mapalagay-lagay, pó, cayo nang loob, at bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Panginoon Dios, at tayo,i, nabubuhay pa, ay pumarito cayo, at atin pong husain itong mañga bagay na ito.