United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang mautas na si cabezang Andrés at malibing na sa panteon , at natapos ang pagsisiam, naugaling gauin naming mañga tagalog, ay tinauag ni cabezang Angi ang caniyang anac na si Próspero at pinañgusapan nang ganito: Proper, anac co, talastas mo na ang pagmamahal namin sa iyo, caya ipinamamanhic namin sa iyo, na icao,i, magbait na, at pañgasiuaan mo ang caunting pag-aaring itinira sa ating nang nasira mong amba.

Pagsusumbong nang gayon ni Felicitas sa caniyang magulang, ay quinagalitan siya,t, pinañgusapan pa ni cabezang Angi nang ganito: Houag cong magosiosa , Pili, at houag cang maquialam sa mañga gaua namin nang amba mo, at cami ang nacacaalam niyang mañga bagay na iyan, at hindi cailañgan na cami ay turuan mo pa. ¿Baquit icao,i, maniniuala sa mañga sabi-sabi nang tauo, na puro gaua nang canilang capanaghilian sa atin?

Nagmamacaauang totoo ang mag-ina ni Pili cay cabezang Andrés, at si Próspero nama,i, ualang calagot-lagot nang paghingi nang tauad, caya quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang mañga tali, at tuloy pinañgusapan siya nitong maicsi, ñguni,t, malamán na salita: Proper, ani cabezang Andrés, Proper, cung sana sa bangca, aco,i, tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay co, ay magpacaiñgat ca na.

Nang mangaling si cabezang Andrés sa Maynila, nang macabayad na sa nasabing mañga utang, ay tinauag niya si Próspero, at pinañgusapan niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito: Proper, malalaquing totoo ang perjuicio at casiraang guinaua mo sa magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap