United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka hindi ka magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas. Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong ama at ang kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto. Tomas? Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na si Enchay ay ¿bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang pinaglalaanan mo ng iyong karrera? Ako raw at hindi si Enchay!
Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan. ¿Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong iniibig?
Oo, sasagutin kita; datapwa't tugunin mo muna ako: Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay? ¿Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ¿Bakit niya naalamang lumigaw ka sa akin? ¿Aywan?