United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mauica ito'y camay pinaghigpit sa pagcacahauac tanda n~g pag-ibig at sa capoua nila'y puso ay cumapit cun di ang libin~gan uala nang pag-pacnit. N~g magcahiualay't ang danza y natapos lahat humimpil na n~g lubhang maayos, pagtupad n~g tungcol sa piguing may handog ualang naibati't loob nan~gabusog.
Pagcat cacamunting oras na pag itan Romeo'y pag-inom sa lasong tinuran, siyang pagcaguising ni Julietang hirang sa buhay cunuaring sa lupa'y pumanao; Pagcat halos lamang yacap pinaghigpit n~g dalauang camay cay Julietang ibig, ito,y nagcataong nasaulang isip caya ang pinucao bigla ang caparis.