United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sinabi co nang hindî nagpapabayad si Rizal, sa lahát n~g m~ga taga Dapitang canyang guinágamot; datapuwa't sinísin~gil cung m~ga ibang láhì at ang nasísin~gil niyang ito'y canyang ipinamímili n~g m~ga cailan~gang ipinamamahagui sa mahihirap, ó cung dilî caya'y guinugugol sa icagagaling n~g bayan. May na pa sa Dapitang isáng inglés na may bilíg ang isang matá upang ipagamót sa pahám na itinapon doon. Guinamot siya ni Rizal, inalis ang bilíg at lumiwanag ang matá. Nang magaling na'y sinin~gil siya ni Rizal n~g limangdaang pisong guintò, at pinagbayaran naman n~g inglés n~g maluwag sa loob. Ang salaping ito'y guinugol ni Rizal sa pagtatatag n~g m~ga ilaw sa m~ga lansan~gan at plaza n~g Dapitang dating wala roon. Nagtayô si Rizal n~g isáng Hospital sa tapat n~g canyang bahay, at doon niya dinadala, pinacacain, inaalagaan at guinágamot ang lahat n~g m~ga mahihirap na nan~gagcacasakit. Sariling salapî ni Rizal ang guinugol sa pagpapagawâ n~g hospital na iyon, at sariling salapî rin niya ang guinugugol naman sa m~ga cailan~gan at casangcapan n~g hospital at ang sa m~ga gamót, pagcain, pag-aalagâ at iba pa. Sa cagandahan n~g canyang loob ay culang na lamang ang siya'y sambahín n~g m~ga taga Dapitan, na pagcakita sa canya'y bumabatî at nagbibigay galang n~g higuit sa pag-galang sa páring cura at sa Gobernador, palibhasa'y paggalang na cús

Hindi co nangyaring nasiyasat cung sino ang may cagagawán; bagong capakikipagsalitaan co lamang sa isá sa m~ga culang palad na sa bagay na iyá'y pinagbayaran, na hindi co nangyaring naakit na huwag gumawa n~g gayón. At iyán, ¿hindi ba sinabi sa inyó cung sino ang sa canyá'y nagbayad? Sinabi , at pinapan~gaco acóng aking pacain~gatan ang lihim, sinabi sa aking cayó raw .