United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nacahambál n~g mainam ang pagdating n~g dalawáng cuadrillero, na may daláng isáng angarilla na kinalululanan n~g isáng may anyóng tao, at isáng guardia civil ang siyáng sa canilá'y sumúsunod. Napagtalastás na silá'y galing sa convento; sa anyó n~g m~ga paang nan~gacalawít ay pinagbalacbalac n~g isá cung sino caya iyon; sa daco roo'y may nagsabing iyón n~gâ; sa lalong daco roo'y ang patáy ay dumami at nangyari ang talinghag