United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang isang tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga batas, na, ang mga batas na iyan ay siyang matibay na saligan at pinagbabatayan ng mga matwid ng isang mamamayan. Na, ang isang tao ay di dapat upasalain kung sino man siya. Na, ngayon ay di na paris ng mga nagdaang panahon na ang nakapaghahari ay ang lakas sa hina. Malaya ngayon ang lahat; walang busabus, walang alipin.
At, ang pagsunod ng isang tao, o ng bawa't individual sa batas na pinagbabatayan ay isang paraang magiging daan ng pagkakaroon ng isang bayang payapa, ng isang bayang dakila, ng isang bayang sa sangsinukob ay walang nakapaghahari kundi ang batas ni Bathala at ang batas na ito ay ang pagkakapantaypantay. Kaya kailangan ang madaling pagkilos ng maykapangyarihan.