United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî naano si Ibarra; nagcaroon n~g bahagyáng galos sa bisig ang piloto. ¡Cayó ang pinagcacautan~gan co n~g aking buhay! ang sabi n~g piloto cay Ibarrang nagbabalot n~g m~ga mantang lana at m~ga "tapiz". Ang anyó n~g voces n~g piloto'y tila mandín may pighatî. Totoong masúlong pô cayó sa pan~ganib, ang sa canya'y isinagot ni Ibarra; ulî-ulî huwag pô ninyong tútucsuhín ang Dios.
Nagtindig ang piloto, cumuha n~g isáng mahabang lúbit at malicsíng pumanhíc sa pinacabatalán n~g baclad. Ipinagcaloob ni Leóng ang piloto'y siyáng humalili sa canyáng kinalalagyán. Lumucsó ang piloto sa loob n~g pabahay n~g baclád, sa guitnâ n~g pagtatacá at baga man nan~gagsisigawan ang lahat.