United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mulíng pumanhíc sa canyáng maliit na báhay, naupô sa baníg na caniláng hinig-án n~g nagdaang gabí, itinungháy ang m~ga matá at nakita niyá ang capirasong napunit sa bárò ni Basilio sa dúlo n~g isáng cawayan n~g dingding, na na sa tabí n~g ban~gin. Nagtinding, kinuha ang pilas na damit na iyon at pinagmasdan sa ínit n~g áraw: may m~ga bahid, na dugò.

Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git, Mababaw na dagat ang nasa sa gilid Na ang naglalayag ay pusong malinis. Di ayos matalim, ni hugis matapang, Ni hindi maliit, ni di kalakihan, Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay. Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag, Kalinisa't puri ang namamanaag, Umaga ang laging handog mo sa palad. = Ang mga pisngi mo =.

Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay, parang isang "mundo, ang pinagagalaw n~g napakaputi't nilalik mong kamay. Iyan ang pamaymay na iyong ginamit nang ako'y daran~gin n~g dila n~g init, diyan napasama ang patak n~g pawis, diyan napalipat ang pisn~gi n~g lan~git.

Datapwa't marahil hindî nakita ni Sisa ang gayong m~ga bahid, sa pagca't nanaog at ipinagpatuloy ang pagsisiyasat sa pílas, sa guitnâ n~g nacasusunog na ínit n~g araw, na canyáng itinataas, at sa pagca't tila mandin ang tin~gin niya'y madilím na lahát, tinitigan niyá n~g paharap ang araw n~g dilát na dilát.