United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang katunayan, anya, na hindi pigin~gan ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman ay hindi na pinipilit sa pagdulóg sa dulang na kung sa bagay ay ugali rito.
At n~gayon, ani Rizal, bagá man napawi na ang kapaniwalaáng yaón at sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala n~g iba pang kahulugan, kundi ang kaugalian na lamang n~g m~ga Tagarito na di maaring di aluki't handaan n~g umaaliw at umaambag sa namatayan, ay sinasapantaha n~g m~ga taga Europa na isang pigin~gan.
Anya'y ang pasiyam sampu n~g katapusan ay isang pakikipagsiyam n~g m~ga kaibiga't kamag-anak sa kabahay n~g namatay, at ang m~ga ito, palibhasa't nan~ga sa bahay ay hinahandaan n~g kahit ano na siyang ugali; n~gunit hindi piging ó paganyaya, sapagka't ang m~ga Tagarito ay hindi nagaanyaya n~g chaá lamang sa anomang pigin~gan.