United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at sentencia , na ang iniuutos doon, ay: ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at antecedentes at dahilan sa mañga perjuiciong guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."
Pagcaalis nang Maguinoong Capitan, ay binilang ni Andrés ang salaping natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa pagbabayad nang mañga utang, at ibang mañga perjuiciong sinabi sa canila nang Sr. Alcalde , ay ipinagbili niya ang canilang mañga hayop, at mañga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin.
Datapoua,t, palibhasa,i, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,t, macasalana,t, palamara; ay nañgaco sila sa Sr. Alcalde , na sila,i, magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang mañga perjuiciong guinaua niya. Naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang Sr.