United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád. Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay. Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála. Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.
Ang saquít na dinaramdam nang haring aquing tinuran, parang nagdahilán lamang at gumaling ang catauán. Ang haring si don Fernando tinipon na ang consejo, at pinaghuntahan dito si don Pedro't, si don Diego. Sa guinauang caliluhán sa capatid nilang hirang, cun ano ang catampatang parusang dapat ibigay.
Salita Ng Araw