United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang uica nitong monarca cay don Pedro'i, pacasál na, at hindi naman sa ibá at tunay ring anác quita. Sapagca't, uala cang daan cay don Jua'i, mapacasál, matigas ang carunungan ni doña Maríang mahal. Ang sagót ni Leonora ó daraquilang monarca, icao po ang bahala na gauin ang balang magandá. Nang maringig yaon bagá nang haring caniyang amá, sumanguning muli siya sa arzobispo ngang sadyá.

Sa casam-ang capalaran si don Diego ay natai-an, ay naguing bató rin naman cay don Pedro'i, naagapay. Di anong magagaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá. Hindi niya mautusan ang anác na si don Juan, at di ibig mahiualay cahit susumandalí man. Si don Jua'i, naghihintay na siya ay pag-utusan, aayao tauaguin naman nang hari niyang magulang.

Muha ca nang tubig naman dalauang bató ay busan, nang sila ay magsilitao manga capatid mong hirang. Si don Jua'i, lumacad na ang banga'i, caniyang dala, sumaloc nang tubig siya. at ang bató'i, binusan na. Si don Pedro'i, ang nauna na siyang nabusan niya, lumitao capagcaraca at hindi namamatay pa. Umuling sumaloc naman si don Diego ang binusan, nagquita silang mahusay at hindi pa namamatay.

Nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca'i, inutusan ang anác niyang panganay. Si D. Pedro'i, tumalima sa utos nang haring amá, iguinayác capagdaca cabayong sasac-yán niya. Yao nanga't, lumacad na cabunducan ang pinuntá, at hahanaping talagá, mahal na ibong Adarna. Mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa párang, at hindi nga maalaman ang Tabor na cabunducan.

Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang matantó co. Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, sumiyasat. At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, mapaibabao. Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap