United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ow ... Goring, bayaan mo na n~ga ang kababayan kung siya namang magiging dahil n~g hindi ko pagkaluklok sa pagka consejal, kung maaprobahan na ang Bill Adriático; at ang pagpatay na ating gagawin ay ganito: ipananabi mo sa lahat na ang obrang yaon ay masama huwag mong sabihing sa akin patama, sumulat ka sa periódicong «Manila Times» at «The American» pagka't magaling ka rin lamang sa wikang inglés, pag ito'y hindi mo ginawa, tatampuhan kita, talos mo na.... at pag aco'y naging consejal, ako ang bahala sa iyo upang ikaw ay......
Makaisang lingo'y na katanggap ako uli ng liham din niya'y at iba naman ang ibinabalita sa akin: ngunit ako'y tunay na nayamot pagka't bawa't talata'y may salitang napakarumi at kung isipisipin ko ang kahulugan ay sa akin patama. Gayon ma'y hindi ko sinagot, at ¿bakit ko sasagutin? Ay ¿di pinantayan ko pa ang baba niyang singbaba ng nakasusuklam na lusak?...