United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindî nalaón at tumangáp si Rizal cay párì Pastells n~g isáng librong sinulat n~g presbíterong si Don Félix Sará, y Salvany, at sa handog na iyo'y napasalamat si Rizal at nan~gacong siya'y tútumbas, bagay na tinupád niya n~g ica 15 n~g Enero n~g 1893, na nagpadalá naman siyá cay párì Pastells n~g isáng marikit na esculturang larawan ni San Pablo, na canyáng guinawâ.

Tinanggap din naman ni párî Antonio Obach; jesuitang misionero sa Dapitan, ang isang sulat ni párì Pablo Pastells, Superior n~g Misión n~g m~ga páring Jesuita sa Filipinas, na doo'y ipinagbibiling sacali't ibig ni Rizal na tumirá sa convento n~g misionero, ay sa ilalim n~g tatlong bagay na gágawin ni Rizal: Una, hayag na tátalicdan at pagsisisihan ni Rizal ang canyang m~ga sinabing laban sa religión católica, at maghahayag siyá n~g m~ga pagpapatotoong iniibig niya ang España at kinalulupitan niya ang m~ga cagagawang laban sa España; icalawá, na bago siya tangapín ay gágawâ muna siyá n~g m~ga "santo ejercicio" at sacâ "confesión general," n~g canyang dinaanang buhay; at icatló, na sa háharaping panahon ay magpapacagalìng n~g asal, na ano pa't siya'y maguing ulirán n~g ibá sa pagca masintahin sa religión católica at sa España.

Nagsulatán si párì Pastells at si Rizal mulâ n~g Agosto n~g 1892 hanggang Mayo n~g 1893. Pinagpipilitan ni párì Pastells na maakit si Rizal sa pagbabalic-loob sa religión católica. Hindî pa nagcasiya'y inutusan ni párì Pastells na pumaroon sa Dapitan si párì Francisco de Páula Sánchez upang causapin si Rizal at pagtiyagaang hicayatin sa pagcampí sa religión católica.