United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong dumarating tayo'y ... Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na n~gang wari hahapayhapay, sa panglalatâ lamang n~g katawang kusang ayaw na igalaw, at n~gaio'y tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang m~ga anak na mumunti.

Yaong isang Pierrot at isang Columbinang nahigin~gan niyang nagkaisang magtanan sa m~ga kasama't maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan nagtun~go; yaong isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na nakipagindakan muna sa kapal n~g tao sa "Auditorium", saka pagkatapos ay magkakawit ang m~ga bisig na nagkubli sa dilim, nanunton sa m~ga pook na lin~gid at makasandali'y matagal na nawala sa kung saang bahagi n~g maluwang na siyudad na iyon; yaong isang Aida at isang Radames na nagpakalan~go muna sa malaking bar n~g "San Miguel Brewery" sa loob n~g siyudad at kapagkuwa'y naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'y pagkatalin~gid sa m~ga taong sukat makapuna sa kanila'y boong bilis na inihatid n~g isang auto sa isa sa m~ga ligpit na hotel sa San Sebastian, samantalang ang kanilang m~ga kasama'y nakikipagbiruang walang hulaw sa loob n~g mailaw na siyudad ... ang lahat n~g iyon ay m~ga alalahaning kumakayag sa budhi ni Tirso upang siya ay magmunukala n~g isang kaparaanang sukat bagang ... ikaganap n~g kanilang nabibiting tipanan ni Elsa.