United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bundóc mong inilagay sa tapat nang durungauan, ay doon maguiguisnan sa guitna nang caragatan. At maguing isang castillo sa limaga'i, maquita co, at gayon din ang simborio ang bilog ay paparejo. Sa castillong yaon naman ay cun mayari nang tunay, ay pitó namang halayhay ang kañon mong ilalagay. Mulá, sa palacio real at castillong paroronán, matuid ang lalacaran na cauili-uiling tingnan.
Sa casi,t, esposa ay napaalam na tumun~go sa dating paroronan niya, nang quinabucasan niyong maumaga si Jua,i, uala na at nacaalis na. Si Sofiang iná,i, di na matahimic mapanglao ang loob puputóc ang dibdib, inantayan lamang amá,i, nacaalis lumayas na nama,t, sa puló,i, nagbalic.
Lumuhód sa harap n~g canyang magulang bendición po ninyo aco,i, pabauonan, ang camáy nang amá,i, iguinauad naman pinahalíc niya at benendicionan. At saca sa iná ay siya,i, lumapit hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc, benendicionan di,t, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay masapit.
Salita Ng Araw