United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa loob nang lalamunan mayroong namang man~ga sugat, at mapait ang bibig Ang gamot doo,i, catulad-tulad nang gamot sa lagnat nang apdo capítulo 20; n~guni hindi sucat sangrahang hamac ang maysaquit. Ang pasuca número 25, ó ang sa número 35, ay totoong buti doon, cun uala nang lagnat ang maysaquit. Ang purga, ay hindi magaling doon. Ang parapit sa binti ay totoong bagay sa saquit na ito.

Ang man~ga babaying maramdamin ó mahina, ay malimit daanan nang pamamanghid nang paa, ó camay ó nang ibang casangcapan nang catauan, lalo pa cun sila,i, nahihiga. Ang magaling sa gayong saquit ay ang parapit número 36. Cun minsan mauauala rin ang saquit, pag bañusan arao-arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig.

Cun baga hindi rin lungmalacas ang maysaquit, cundi tila hindi nacacaramdam, ay capilitang doonan nang parapit sa man~ga binti ó sa batoc número 36; pag natuyo ang man~ga parapit, ay pinapaltan nang ibang bago. Ang man~ga parapit iniiuan doon nang mahabang arao.

At cun nahahalata, na ang saquit ay napapatun~go sa baga, dahil sapagca ang pag-uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at ga siquip ang dibdib pati nang paghin~ga, ay doonan ang maysaquit nang parapit sa man~ga binti número 36. Hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para nang pag-inom nang alac.

Ang ganitong tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay dito,i, ang purga, at saca ang man~ga parapit. Ang polvos número 25, ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit, masama, sa caniya ang parapit. Ang saquit na binabalingtamad na malauon.

Babañusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod; cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. Saca sasangrahan dito rin sa paa. Lag-yan nang parapit número 36, at cun malubha ang maysaquit, ay lalac-han ang parapit. Ang paa siya ang pararapitan, cun baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, ó sa camay, ó sa ibang lugar nang catauan.

Datapoua ang man~ga mahihinang tauo, ó ang man~ga matatanda na, cun dinaraanan nitong saquit na pasmo, ay houag gamutin nang gayon, cundi para nang isusunod co dito. Cuscusin, ó hilutin nang camay ang casangcapang masaquit nang catauan. Ang parapit número 36, ay maigui rin.