United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Napangitî si Gerardo. Ang mga pangungusap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó. "Maráming salamat, Elíng," anya "Ngayon ay tulutan mo nang ako'y yumáo." "Hintáy muna, Ardíng" ang magíliw na samó ng binibini "Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina." "Alín iyón?"

Nguni't siya'y namali, kung gayon ang kanyang paniwala, sapagka't ipinatalastas man sa iyo ay hindi ka aalis ng Maynila, ni hindi masisira ang iyong pag-aaral dahil sa naiwan dito ang iyong langit, ang paraluman ng iyong gunita ... Huwag kang magkaila, huwag; mayroon akong katunayan....

Siya naua. ¡Ay Jesús! At sa iyo, casanto-santosang Patriarca, dumaraing naman aco, at dumadalan~gin na aco,i, anaquin mo, di man aco dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihin~gi co dito sa novenas na ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at Maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan sa Lan~git.

Sa piling ng isang Leoning ay lalong dumakila ang isang Eduardo. Lalong naging maningning ang kanyang pagasa. Kay buti nga namang idinulot ng pagkakataong yaon! Sa harap ni Leoning ay naging isa siyang dakila, isang bayani na pinuputungan sa ulo ng masaganang laurel. Purihin siya sa harap ng kanyang paraluman, ay anong tamis sa isang kalooban ng binata!

Siya naua. Sa sinta,i, serafíng tunay Querubing sa carunun~gan. Agustíng Amang maran~gal ilao nami,t, paraluman . Pananaghoy ualang humpay niyong pusong nahahambal nang Ina mo nang mamasdan, casiraan mong nacamtan, pagamin mo,t, pagtataman sa lihis at maling aral. Agustíng Amang maran~gal ilao nami,t, paraluman .

Nakikilala mo kung sino ang babaeng iyaon?... Ang aking langit, ang aking paraluman, ang aking pag-asa, sa ibang salita'y ikaw, Edeng, ikaw na buhay ng aking buhay. Sa aking pagkatitig sa iyo'y napatingin ka sa akin at nagtama ang ating mga mata. ¡Oh, anong ligaya ng dumalaw sa aking puso!

¡Aba Pan~ginoon at Dios na mapagcalin~ga! na nagcaloob sa aquing Amang si san Agustín nang maningning at masinag na carunun~gan, palibhasa,i, arao nang santa Iglesia, na nacapagpapanao nang dilim nang man~ga eregias, naguing maestro nang man~ga Doctores, paraluman nang man~ga cristiano, at nang sila,i, matuto,t, houag masinsay sa daan nang pananampalataya; at naguing patnugot, na cahalimbaua niyong columnang alapaap at apoy na natnugot sa man~ga campon mong bayan sa una, at itinuturo sila sa lupang pan~gaco mo sa canila, at nacasisira sa man~ga matitigas na loob na dumurouahagui,t, ongmuusig sa canila.

Leoning, kaya marahil, ang lahat ay nabatid na ninyo. Maliwanag kung gayon ang lahat. Para kay Eduardo ay isang karangalan niyang hindi malilimot ang gayong pagkakatagpo nila ng kinatawan. Isang karangalan ng kanyang sarili ang gayong pagpuri pa naman sa harap ng kanyang paraluman. Kay inam na pagkakataon!

Maluha ka rin kaya Leoning, maluha ka rin kaya kung ako'y tinanghal na bangkay? Leoning, maluha ka rin kaya? Eduardo, hindi ako ang maluluha, kundi ang paralumang noo'y sumaklolo sa iyo. Nguni't kulang palad nga ako at walang paraluman noong lumapit man lamang sa akin ... Wala akong tinatawag sa sarili kundi: Leoning! Leoning!

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.