United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ayon sa pañgaco co sa iyo, ay sumusulat aco ñgayon sa iyo, nang matalastas mo ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa Maynila. Bagay sa calagayan co,i, maiguing-maigui ang aquing lagay.
Umaayon siyang palagui sa cagustuhan naming tatlo, at cung sacali,t, cami ay cagalitan nang caniyang santulon na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol. Bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, ¡ay caguilio-guilio cong capatid! Ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,i, aco ay isang pobreng bulag, na ñgayon, ngayon lamang nacamulat nang mata.