United States or Australia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sinabi co n~gayon sa párrafong natalicdan ay magcacasiya na cun minsang igamot sa quinagat nang asong ol-ol; datapoua nang lalo pang maseguro ang buhay nang maysaquit, ay mabuting gauin ang sasabihin co n~gayon. Touing icalauang arao susumpitin ang maysaquit; arao-arao papambohan nang tubig na malamig, at palulunuquing maghapon nang dalauang pelotilla nang bilin sa número 31.
Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init.
Salita Ng Araw