United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang sandaling iyon ay naitanong ni Elsa sa kanyang sarili kung tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay n~g ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya n~g una, kundi papalapit na't magbibigay kasiyahan sa kanyang m~ga lihim na pan~garap. Tiningnan niya si Tirso n~g isang tin~ging parang nan~gun~gusap. At ang bilang naging tugon n~g makata: ¡Kay ganda mo, Elsa!
¿At kung nagiisa man? isinambot n~g mestisang sinundan n~g isang hakbang na papalapit sa kausap. ¿Nahahalayan ka bang makiharap sa akin n~g sarilihan'? idinugtong pang punongpuno n~g lambing. Hindi naman, Elsa ... tan~ging naitugong lipos n~g pagkakimi n~g makatang pinaghaharian n~g kabaklahan.
Nang araw na iyon, tanghali n~g ika 31 n~g Disyembre. huling araw n~g nanghihimakas na taong 1915, at samantalang si Tirso'y walang kibong nakapan~galumbaba sa isa sa m~ga bukas na durun~gawan n~g kanyang tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking malayolayo pa'y nagtaastaas na n~g kamay at humuhudyat sa kanya.