United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga pangyayari. Nguni't maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng masamang hangad na "paalatin ang matatamis na tula" kundi bagkus pa ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis. Lalong mapasarap. Lalong mapabuti. Lalong maitumpak.
Tungkol sa "tauaguin", sa tulang: "Pangimbuló niya,i, lalo nang nag-álab nang aco,i, tauaguin tangulan ng Ciudad". Ang naritong "tauaguin tangulan" ay kahalintulad din marahil ng "napangarap nasabi". Hindi rin kay Balagtas marahil. Mahirap paniwalaang "balangkas Balagtas" ang kagarilang iyan.