United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't nang anyong gagawin na niya ang ganitong hangad ay waring sa kanya ay may pumigil. Kay sama nga naman ng kanyang hangad! Pagbalaang patayin ang dalawa! Anong laking kasalanan! Nagdilim ang kanyang paningin at sa pagdidilim na iyon ay hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Sikaran ang pintuan upang mawasak, anong laking gulong ibubunga.

Iwasak niya ay anong laking eskandalo ang mangyayari! Kaya't sa pagdidilim na iyon ng kanyang paningin at pagsilakbo ng dugo ay waring may humadlang sa kanyang budhing pinagpapayuhan siya na magkaroon ng katahimikan ng loob. Huwag gumawa ng masama at makabubulabog sa madla. Ano nga naman ang ibubunga kung ang pangyayaring yaon ay kanyang gawiin?

Ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang-pagasa. Hindi na nga kaya niya palad si Leoning! Ilang mga sandali na lamang at ang kanyang Leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni Daniel Perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran.

Gayon na lamang ang kanyang kasiyahang loob. Dumating ang takdang oras. Magara ang damit ng ating binata at bagay na bagay sa kanyang tindig. At, anong palad na pagkakataon ang nawika sa sarili. Natanaw niya sa may durungawan si Leoning. Anong palad nga naman! Ang kanilang mga paningin ay karakang nagkasalubong: nginitian agad siya at boong lugod na inanyayahang pumanhik.

Datapwa't nang mga sandaling yaon na kanyang pinanununghayan ang hawak na pahayagan ay siyang pagkapako ng kanyang paningin sa ikatlong dahon, na, nabasa niya ang maliwanag na titik ng mga ganitong sumusunod: "PAGIISAHING PUSO"

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap