United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anopa't lahat na n~g karain~gan sa panglulupig, panggagahasa, m~ga kasagwaan, pagtin~gin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa m~ga Kastila na ginagawa n~g m~ga "fraile" ay siyang isinasaysay sa ikalawang tanong na ito.
Totoong kinakailan~gan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pan~galang panglulupig na ginagawa sa m~ga anak n~g bayan, na n~gayo'y nagtitiis n~g mabibigat na parusa at paghihirap sa m~ga bilangguan, na, sa dahilang ito'y mangyaring ipatanto ninyó sa lahát n~g m~ga kapatid na sa araw n~g Sabado, ika 29 n~g kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya't kinakailan~gang sabaysabay na kumilos ang m~ga bayan-bayan at sabaysabay na salakayin ang Maynila.