United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang aklat na ito, sakaling sa pagkatunghay ninyo sa mga dahon, ay di kakitaan ng mga matatamis na pangungusap, ng matatayog na pagkukuro ng kaisipan, at gayon din, sakaling di maging masarap sa inyong panglasa ang nalalaman dito, ay hinihiling ko ang paumanhin ng madla sa abang kathang ito; pagka't ako ay hindi isang tanyag na manunulat at mangangatha.
Ngayon, ay ipinababatid ko sa madla, na, sakaling maraming mali sa pagkakasulat nito, marahil, sanhi na lamang ng kabataan ng aking panitik hindi pantas na mangangatha. Kaya aking inuulit, na, sa pagbasa ng aklat na ito at hindi kapulhan ng bagay sa inyong panglasa, ay hingi ko ang paumanhin sa lahat, dala ng hindi ko pa kabihasnan.
Salita Ng Araw