United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ukol sa "pag" at iba't iba pang panglapi ay walang iisang tuntunin ang nangauna sa atin. Kung minsan ay ikinakabit, nguni't ang malimit ay hiwalay. Hindi dapat kaligtaang "pag" na panglapi ang aming tinutukoy. Hindi ang pangsubaling "pag", na may sariling kahulugan, at tunay na isang kataga. "Pag umulit ka pa ay ikaw ang bahala!" Ang "pag" na iyan ay di dapat ikabit sa alin man.
Pagka't hindi panglapi. Ang lahat nang panglapi pag, nag, mag, mang, ka, na, pa, um, in, an, atbp. ay di dapat ihiwalay. Subali't nang panahong yaon nina Balagtas ay isinusulat kahi't na paano, mapakabit man o mapahiwalay sa dapat kapitan.
Salita Ng Araw