United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Tirso, sukat na ang pagbibigay! ang malakas na wika sa nan~gan~gatal na tinig. ¡Gunitain mong naririni akong nagmamasid sa iyo! Ang lahat n~g mata'y napabaling at sukat sa nagbitiw n~g m~ga katagang iyang kulog manding sumambulat sa pangdinig ni Teang. At ang panggigilalas ay lalo nang nagulol at lumaganap sa tanang naroon.
M~ga kasama: ang unang bati ni Mauro pagkalapit. ¿Saan ang inyong tun~go? Sa Pagawaan ang sagutan n~g marami. ¿Magbabalik kayo? ¿at bakit? ang may malaking panggigilalas na tanong pa ni Mauro. Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan anang ilan pa rin. Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo? Oó; ang sigawan n~g marami. M~ga kapatid: ¡Kayo ang masusunod!
Salita Ng Araw