United States or Estonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Ayaw ka bang maglaro?-ang ulit ko na wala nang pangambang may hinampo ka pa sa akin. Maglalaro ako kung kasali ka ang may ngiti mong salo. ¡Naku! ang pakunwa ko naman. Oo, ang mariin mong agaw na parang ibig mo nang maghinanakit, kaya't sinagot kitang agad: Sa totoo man ó hindi ang sinabi mo, ay dapat mong malaman, na kung kaya ako naparitong maglaro ay dahil lamang sa iyo.