United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sa inang tugon, "ó cabutong irog sa aquin di ucol tanong mo y sumagot, nito'y ualang ibang labis magpatalos cundi puso mo rin sa sinta'y pagtiboc." Sa mauica ito Julieta'y linisan, pagcat sinalubong ang nan~gagdatin~gan, m~ga iba't iba na caguinoohan, sa pangabing piguing na~gag-bigay dan~gal.

Samantalang ito'y usapan sinunod paa n~g isip ta, nagca-isang ayos, Palacio n~g inam Capuletong bantog casan~ga n~g auit doo'y n~g masayod: Sa boong mag-hapon n~g pangabing piguing ang nan~gag-aayos nagca isang tin~gin, sa gayac na pilit pamuting nagning-ning at sa mahalaga n~g daming pagcain

Ang lahat na ito cung iyo nang talastas at di naligtaan Palaciong inaquiat, tin~gin iyang isip iupó at ilatag n~g upang matanto cabagayang sucat. Masdan ta sa guitna ilang nan~gag-ning-ning na nacasisilao ang capal sa tin~gin sa ugaling oras minulan ang dating nanya-ya't hindi sa pangabing piguing.

At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas n~g pangabing piguing, bumabasang liyag, pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat bunying Capuleto ang naguing causap. Ito't dili iba't ang Conde de Paris, Principe Scala capinsang malapit, sa ibang talata aquin nang binanguit at hangang sa huli sundan mo n~g isip.

Baquit ang isa pa, ito ang mabigat, sa mahal na camay may isang may han~gad, sa bunyeng Principe guilio cong camaganac sa hinhi't carictan ang puso'y nabihag. Dacong umaga pa niyaong ca-arauan n~g pangabing piguing ito'y nagtuluyan sa cay Capuleto't tapat na sinacdal ang hilig n~g pusong hindi maiuasan.