United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó san~ga kaya n~g kahoy at, pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila. M~ga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang m~ga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pan~gin~gibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano.
=Ikalabing dalawang pangkat.= =Almás= Ang m~ga almás na ginagamit n~g m~ga tagarito, anáng m~ga unang nakakita ay pana't bosóg, sibat, sungdang, sandata ó kris, talibong, kampilan, baluti na sun~gay n~g kalabaw na di umano'y sa Siam nangagaling at iba't iba pa na hangang n~gayo'y ginagamit n~g m~ga moro at n~g m~ga taong gubat.