United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Nananariwang lahat sa patak ng hamog na ang gayon ay siyang lalong nakapagdudulot sa mga bulaklak upang lalong maging ganap ang kabanguhang humahalimuyak. Datapwa't kung ang mga bulaklak na iyan, kung ang mga dahong iyan ng kahoy ay pamuling nanariwa sa mga patak ng hamog ng gabi, ay katulad rin naman iyan ng pusong tumutungga at nauuhaw sa sarong ginto ng katamisan ng hamog ng pag-ibig.

Parang pangarap lamang ang lahat. Oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni Leoning. Pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. Wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat. Oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. Datapwa't anong hirap gawin ng lumimot!

At sa gayon ay pamuling nagsalita ang lalaki: Leoning, marahil ay sukat ng maniwala ang aking sarili na ang hindi ninyo pagsagot sa akin ay nangangahulugan ng pagsangayon. Hindi ba Bb. Leoning? Datapuwa't ang binibini ay lalo ba waring napipi. Ano ang naghari sa kalooban ng isang Eduardo?

Kaya't, palibhasa'y taglay ng kanyang kalooban ang mapayapa at ang malamig na pagmumunimuni ay hinintay na muna niyang pamuling magsalita ang kinatawan. Malaon ko na nga iyang nakilala, Bbg. Leoning ang patuloy ng kinatawan nguni't gaya ng sinabi ko na sa inyo, lamang ang pagkakilala ko diyan ay di paris ng lubos kong pagkakakilala sa ngayon na kami ay nagkamay.

Datapwa't nang una ay hindi mahulaan ni Ester kung sino ang tumawag na iyon, hindi niya makilala dahil sa ang tinig ng pangungusap ay binago at pinakaliitliit na pakinggan. Kaya hindi makikilala ni Ester kung hindi makilala ang kilos ng tumawag. At pamuling inulit ang tawag. Ester, nakikilala mo na ba ako? na waring nasulyapan ni Ester ang mukhang ngumiti ng tumawag. Ah, oo, kilala na kita.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap