United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, painumin man noong turo co n~gayon, ay damidamihan yaon ding painom na bilin sa número 72; at cun baga ungmuunti-unti na ang pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit nang timbang dalauang piso nang bilin sa número 74, isang oras bago cumain, cun tanghali at cun gab-i.
Cun minsan ay cailan~gang sangrahan ang talagang sisibulan nang anomang masama, at lalo pa cun nalalagnat ang may catauan, ó cun hindi siya patuluguin noong masaquit, ó cun malaquing totoo ang pamamaga noong lugar na sinisibulan. Datapoua cun minsan ang man~ga linta na idinoroong palibot sa sibol ay siya na. Cun nacaputoc ang sibol, ay houag nang sangrahan ang maysaquit.
Cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa man~ga babaying nan~gan~ganac, na yao,i, nacacahila nang maraming saquit na malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 485, na sinundan nito. Ang man~ga mainit na gamot na sinabi co sa párrafo 480, ay totoong sama doon, at parang lason sa maysaquit.