United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan iná po ay dinguin at aquing tuturan, ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay gloria,t, infierno na pag pipilian. Ang tauo sa mundong inapó ni Eva anomang ibiguin pahintulot niya, cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang ora.
Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar ang ipatatayong lahat nang Simbahan, doon sasambahin nang boong pag-galang ang Dios na Amang macapangyarihan. Palagyan mo namang larauan ang lahat nang cagalang-galang na Santa Trinidad, na sila ay tatlo sa pagca Personas at sa pagca Dios ay iisang ganap.